Forum Rules
MAHALAGA!!! Mangyaring igalang ang forum at ang awtoridad ng tantra extreme, at huwag magbanggit ng ibang server dito. Salamat po!!!
Bisitahin nating muli ang mga ito:
1. Gumawa ng Topics/Posts na may HALAGA
Hindi namin ito-tolerate ang spamming, racism, improper dialects like l337 speak o kaya ay SMS talk, pagmumura, trolling, flaming. Ang sino mang mahuli na gumagamit ng spamming kasama na rito ang paggawa ng magkaparehong topic ay maaaring parusahan at ang thread/post ay ide-delete.
2. Iwasan ang Out of Topic Threads/Topics
Ang mga thread na walang kinalaman sa Tantra ay ide-delete. Limitahan ang inyong kasdagutan sa tatlo (3) at iwasang mag-iba ng pinag-uusapan.
3. Bawal ang Impersonations as Game Master / Administrator
Ang kahit anong paraan ng GM or Admin Impersonation ay hindi papayagan. Ang lahat ng mahuhuli ay iba-ban.
4. Bawal ang Illegal Trades.
Nasasaklawan ng Illegal Trading ang mga trades na may kinalaman sa in-game item kapalit ng mga gamit sa totoong buhay, palitan ng gamit mula sa ibang server, pagbebenta ng character at scamming.
5. Bawal ang mga usapin tungkol sa ibang Private Servers, Hacks, Bots and Tampering/Modifying the client.
Ito ay makakasira sa Tantra Extreme Community.
6. Bawal ang Advertisement ng Illegal and Pornographic websites/links.
Ating isa-isip na may mga bata at kabataan na nagbabasa sa forum. Ang lahat ng illegal links (illegally downloaded movies, mp3, applications, etc) at Websites o Links na may pornographic content ay hindi papayagan.
7. Bawal ang Flaming, 'Harassment at Discrimination.
Igalang ang lahat ng tao. Bawal ang magmura at iwasan ang pagpo-post ng mga ba*** na makakasira sa pagkatao ng iba. Maaari kayong parusahan ng Mute or Ban.
8. Iwasan ang Pagbibintang at Tsismis
Kung walang katibayan ang inyong mga paratang, makabubuting magpadala na lang ng private message sa manlalaro. Kung ito naman ay may kinalaman sa mga pandaraya sa laro, mag-post sa Private Section ng Violations.
9. Regulate Your Signatures
Limitahan ang resolution ng inyong signature sa 500x300 pixels, kasama na dito ang normal-sized text at lahat ng images. Huwag gumamit ang maraming animations. Bawal ang masasamang salita at larawan.
Ang Tantra-Extreme Forums ay mayroon nang automated script na magtatanggal ng signatures na hihigit sa kung ano ang nararapat.
Ang sino mang lumabag sa Forum Rules at Tantra Online Terms of Service at maaaring parusahan ng Moderator/Administrator. Bans, Mutes at mga Warnings ay ibibi*** kung ito ay maulit at magpatuloy, at ang IPs ay iimbestigahan at makakaapekto ito sa in-game account ng manlalarong lumabag.
|