Members: 229,553
Threads: 46,789
Posts: 381,286
Users Online: 75

Newest Member: amcboy123


SpringWidgets
Happy New Year
Happy New Year countdown clock







Tantra-Extreme

-Shakti

-Surya

-Kayden

Cabal-Extreme

-Draco

TantraGP-Extreme

-TantraGP

GTH-Extreme

-GTH

Dekaron-Extreme

-Dekaron



Go Back   Servers-eXtreme Forums > Tantra-eXtreme.com > Community > International Player Ward > Pinoy > Announcements

Quick Links
WebSites Vote For Servers-eXtreme Downloads
Please vote!
Please vote!
Please vote!

http://www.tantra-extreme.com

Announcements Link, Rules sa Tantra Extreme at Ultimate on Pinoy; Tantra Rules: 1. Huwag pagbintangan o sisihin sa laro at sa forums ang mga GMs o kahit sino mang staff ...

Closed Thread
 
LinkBack Thread Tools Display Modes
aOld 09-14-2007, 09:52 AM   #1 (permalink)
 
23ers's Avatar
 

Join Date: Apr 2007
Posts: 385
Casino cash: $30
Send a message via MSN to 23ers Send a message via Yahoo to 23ers
Default Rules sa Tantra Extreme at Ultimate


Tantra Rules:

1. Huwag pagbintangan o sisihin sa laro at sa forums ang mga GMs o kahit sino mang staff ng Tantra Extreme online.
Penalty: Permanenteng pagka-BAN

2. Kahit sa EBB o chat sa laro na naglalaman ng masasamang bintang at paninisi sa GMs ay maaring mapatawan ng parusa.
Penalty: Permanenteng pagka-BAN

3. Bigyan ng respeto ang GMs sa mga Events meeting. At sa mga mag rereklamo at hindi sasang-ayon sa mga rules o hinihingi sa events, ay makatatanggap rin ng parusa. HINDI MAGBIBIGAY NG ANO MANG BABALA ANG GMs. DAPAT AY LAGI SILANG BIGYAN NG RESPETO BILANG GMs ng mga players.
Penalty: Permanenteng pagka-BAN

4. Huwag husgahan ang trabaho at kapasidad ng GMs. I report mo ang mga bagay na sa tingin mo ay tama. Huwag pag bintangan ang sino mang players na nakatatanggap sila ng special treatment galing sa mga GMs. Ang mga GMs ay PATAS at walang binibigay na special treatment sa kahit sino mang player.
Penalty: Permanenteng pagka-BAN

5. Ang pagbebenta/pakikipagpalit ng account ay pinapayagan.

Mga Kundisyon:
Kung Binigay ninyo ang inyong account details at password sa ibang tao at kayo ay naloko, ito ay SCAMMING hindi HACKING. Ang mga scamming cases ay walang suportang makukuha mula sa GMs. Tanging mga hacking cases lamang ang makakakuha ng suporta mula sa GMs.

Sa kada transaksyon na inyong gagawin, ay maaari kayong makakuha ng GM support sa pamamagitan ng pag donate ng $10 (400-500php). Magiging secured at ligtas ang inyong transaksyon kung may GM support kayong kukuhanin.

Ngunit kung kayo ay walang kinuhang GM support, ang kahit ano mang desisyon sa inyong mga transaksyon na inyong gagawin ay walang pananagutan ang mga GMs dahil kayo, bilang players, ang siyang gumawa ng personal na desisyon sa inyong mga transaksyon.

Kaya kung nais ninyong MAKASIGURADO o umiwas sa panloloko ay kumuha kayo ng GM support. Para makakuha nito, gawin ang mga sumusunod:

[Only registered and activated users can see links. ].
Kinakailangang impormasyon:
-Paraan ng transaksyon: Dinero mail ;paypal; etc.
-Date
-Mail or account user in the donation
owner info-account ID
-account email.

Buyer info- bagong e-mail para sa account.
Ang bagong password ng nabiling account ay isesend sa e-mail ng bagong owner

6. Ang pag-gamit ng pangalan ng mga GMs ay mariing ipinagbabawal sa forums at sa laro.

-ang paninisi o pag aakusa sa mga GMs ng favoritism at corrupt deals
-pag-gamit ng pangalan ng GMs para sa personal na intensyon o para suwayin ang Game Rules.
-ang pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa mga GMs at pag-gaya sa kanila (impersonation).
-pambabastos sa sa mga GMs matapos ang unang babala.
-kahit sa EBBs, ashram chats, private chats, at vend mode, ay hindi pinapayagang gamitin o pag bintangan ang mga GMs.
Penalty: Permanenteng pagka-BAN

7. Ang pang-aabuso sa ano mang BUG sa laro ay pinagbabawal rin. Upang hindi maparusahan, ay i-report agad sa forums ang ano mang BUG na madiskubre sa laro. Dahil hindi agad maaayos ang lahat ng bugs sa maikling panahon, ay PINAGBABAWAL ANG PANG AABUSO SA BUGS.

ang mga bugs na ito ay pinagbabawal:
MOONWALK BUG
DC BUG
Penalty: Permanenteng pagka-BAN

8. Pandaraya upang makakuha ng Master Points.

Sa pamamagitan ng pag-gamit ng 2 characters upang patayin ang isa at makakuha ng MP o pag-gawa ng deal sa isang pang player at patayin rin ito ng patayin buong araw upang makarami ng MP ay pinagbabawal.

Penalty: MP reset to 0 (zero)

Ang mga players ay aming ini-encourage na i-report ang sinumang gumawa ng ganitong pandaraya. Ang screenshots na nagpapakita ng ganitong senaryo ay sapat ng ibedensya.

Ito ay bagong rule na pinatutupad sa Extreme at Ultimate servers.

9. Ang pang-aabuso sa BUGS SA MGA BOSS. Hindi pinapayagang gumamit ng bug o cheat upang mapatay ang mga boss sa laro.

Tanging si Raphu (Chaturanga King boss) lang ang maaring gamitan ng BUG ngayon. Liban sa kanya, ang lahat ng boss mula sa 1st map hanggang sa pinakahuli, ay pinagbabawal gamitan ng BUG.
Penalty: Permanenteng pagka-BAN

10. Ang pag-gamit ng KP (keypresser) ay pinagbabawal na ngayon.
Ito ay pinagbabawal sa Extreme at Ultimate servers.
Penalty: pagka-BAN

11. Ang pang-aabuso ng duel bug ay pinagbabawal na ngayon. Ang mga screenshots ay maari ng magsilbing ebidensya.
Penalty: pagka-BAN

12. Ang hindi pag sunod o pag labag sa ano mang rules sa laro na may sapat na ebidensya ay may parusa
Penalty: Permanenteng pagka-BAN ng account at lahat ng karakter nito

13. Ang pambabastos ay maaaring patawan ng MUTE o BAN
-maling pag-gamit ng EBBs.
-Paninisi sa GMs sa laro (chat,private message,Ashram chat,Chat all,Electronic bulletin,vend mode)
-diskriminasyon sa ibang nasyonalismo, mga masasamang salita at pangungusap.
-ang pag papadala ng spams sa ibang players. ito ay nagiging dahilan ng LAG sa ibang players.
-pakikipag-transaksyon o pag po promote ng ibang servers, laro, o ano mang bagay na hindi kabilang o saklaw ng Tantra Extreme.

MUTE PENALTY:
1. Unang babala ay makakatamo ng 15 araw na pagka mute
2. Ikalawang babala ay makakatamo ng 30 araw na pagka mute
3. Pagka-ban ng permanente matapos suwayin ang ikalawang babala

ang mga nasabing babala sa MUTE penalty ay pinatutupad lamang sa rule # 13. ang pag suway sa ibang rules ay papatawan ng parusang naka talaga sa bawat rule.

IMPORTANTE: Ang mga GMs ay hindi kailan man magbibigay ng espesyal na trato sa sino mang players dahil ang lahat ng players ng Tantra Extreme ay makakatanggap ng patas na atensyon mula sa GMs. Ang sino mang kumuwestyon sa mga aksyon ng GMs ay mapaparusahan ng permanenteng pagka-BAN ng account. Ang mga rules na ito ay ginawa para magkaroon ng mapayapang laro at sistema ang Tantra Extreme. Ang mag players ay dapat mag-bigay ng tamang respeto sa mga GMs dahil sila ay karapat-dapat dito.

__________________
Servers eXtreme Default Signature. For changing and editing PRESS HERE
Vote for Cabal-eXtreme PRESS HERE
Vote for Tantra-eXtreme PRESS HERE

23ers is offline  
aOld 09-22-2007, 09:39 PM   #2 (permalink)
 
23ers's Avatar
 

Join Date: Apr 2007
Posts: 385
Casino cash: $30
Send a message via MSN to 23ers Send a message via Yahoo to 23ers
Default

Ang mga sumusunod ay paparusahan din.
1. Mga players na pino-protektahan ang mga umaabuso ng bugs.
2. Mga players na ka-party ng mga umaabuso ng bugs.
3. Mga players na hindi ine-rereport ang mga players na nakitang gumagamit ng bugs.
4. Pag-eexplain sa forums or sa laro kung paano gumamit o abusuhin ang anu mang bug sa laro.

Tayo po ay maglaro ng patas, at kung tayo ay mahuli, ay 'wag na tayong mag reklamo. Maging ma-ingat sa mga taong inyong ibibilang sa inyong party. Sa oras na kayo ay parusahan, ay wala ng paraan para ito ay ibalik pa. Ito ay applicable rin sa mga taong pino-protektahan ang mga Keypressers at Bot users.


Penalty: pagka-BAN
__________________
Servers eXtreme Default Signature. For changing and editing PRESS HERE
Vote for Cabal-eXtreme PRESS HERE
Vote for Tantra-eXtreme PRESS HERE

23ers is offline  
Closed Thread


Currently Active Users Viewing This Thread: 1 (0 members and 1 guests)
 
Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off
Trackbacks are On
Pingbacks are On
Refbacks are On
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
In Game Rules At Tantra Extreme - Ultimate and Elite Servers. LaNena Rules and Regulations 6 11-12-2008 12:48 PM
Tantra-Extreme Forum Rules Condor Rules and Regulations 3 05-04-2008 09:18 PM
Tantra-Extreme Ultimate Server! GM-Killzone Surya x50 257 07-14-2007 10:36 AM
tantra extreme ultimate server moemeth Indonesia 13 07-08-2007 12:26 AM


All times are GMT -5. The time now is 09:53 PM.

Powered by vBulletin® Version 3.6.9
Copyright ©2000 - 2008, Jelsoft Enterprises Ltd.
A vBSkinworks Design
Search Engine Friendly URLs by vBSEO 3.2.0